Monday, December 8, 2014

Latest PAGASA Forecast Track for #RubyPH As of December 8, 2014 05:00 PM



Latest 
PAGASA Forecast Track for #RubyPH
As of December 8, 2014 05:00 PM

Patuloy na humina ang Tropical Storm #Ruby habang papalapit ito sa Batangas

Lakas ng Hanging dala ng Bagyo: umaabot sa 85 kph
Pagbugso: 100 kph malapit sa gitna
Paggalaw: 13 kph papuntang Kanluran Hilagang Kanluran (West Northwest)

Ayon sa PAGASA, inaasahan pong tatawirin ng bagyo ngayong gabi ang Batangas. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.

Samanatala, nasa ilalim pa rin ng Public Storm Warning Signal No. 2 ang:
#Bataan
#Batangas
#Cavite
#Laguna
#Lubang Islands
#Marinduque
#Metro Manila
Northern #Oriental Mindoro
Southern #Quezon
Pinag-iingat ang mga residente ng mga lugar na ito sa hanging may bilis na 61-100 kph na maaaring maging dahilan ng pagtumba ng ilang puno at paglipad ng mga bubong na gawa sa nipa at lumang bubong.

Samantala, nasa Public Storm Warning Signal No. 1 ang:
#Bulacan
#Pampanga
#Rizal
#Romblon
#Tarlac
#Zambales
Rest of #Quezon Province
Rest of #Mindoro Provinces
Maaaring maobserbahan sa loob ng 36 oras sa mga nasabing lugar ang hanging 30-60 kph ang bilis.


Gamitin ang abiso at impormasyon mula sa PAGASA at inyong lokal na pamahalaan upang masiguro ang inyong kaligtasan. Ingat po tayo!

No comments:

Post a Comment