Latest PAGASA Forecast Track for #RubyPHAs of December 8, 2014 11:00 AM
Humina na si #Ruby at isa na lamang itong Tropical Storm
Lakas ng Hanging dala ng Bagyo: umaabot sa 105 kph
Pagbugso: 135 kph malapit sa gitna
Paggalaw: 10 kph papuntang Kanluran Hilagang Kanluran (West Northwest)
Ayon sa PAGASA, inaasahan pong tatawirin po nito ang Marinduque at Batangas. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.
Nakataas na rin ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa
#Bataan
#Batangas
#Cavite
#Laguna
#Lubang Islands
#Marinduque
#OrientalMindoro
#SouthernQuezon
Sa loob ng 18 oras, makakaranas ng hanging umaabot sa 101-185 kph ang mga nasabing probinsya. Maaari nitong mapatumba ang maraming puno, magdulot ng malawakang pinsala sa mga pananim at mga bahay lalo na ang mga gawa sa magagaang materyales gaya ng nipa o cogon.
Samanatala, nasa ilalim pa rin ng Public Storm Warning Signal No. 2 ang:
#Bulacan
#Burias Islands
#CamarinesNorte
#CamarinesSur
#MetroManila
#OccidentalMindoro
#Pampanga
#Rizal
#Romblon
#NorthernQuezon
Pinag-iingat ang mga residente ng mga lugar na ito sa hanging may bilis na 61-100 kph na maaaring maging dahilan ng pagtumba ng ilang puno at paglipad ng mga bubong na gawa sa nipa at lumang bubong.
Samantala, nasa Public Storm Warning Signal No. 1 ang:
#Aklan
#Albay
#Calamian Islands
#Capiz
#Masbate (Kasama na ang #Ticao Islands)
#NuevaEcija
#Polillo Islands
#Sorsogon
#Tarlac
#Zambales
Maaaring maobserbahan sa loob ng 36 oras sa mga nasabing lugar ang hanging 30-60 kph ang bilis.
Gamitin ang abiso at impormasyon mula sa PAGASA at inyong lokal na pamahalaan upang masiguro ang inyong kaligtasan. Ingat po tayo!

No comments:
Post a Comment