Latest PAGASA Forecast Track for #RubyPH
As of December 8, 2014 05:00 AM
Humina ang Typhoon #Ruby habang ito ay nasa Sibuyan Sea
> Classes and work in GovPH offices suspended <
> Classes and work in GovPH offices suspended <
Lakas ng Hanging dala ng Bagyo: umaabot sa 120 kph
Pagbugso: 150 kph malapit sa gitna
Paggalaw: 10 kph papuntang Kanluran Hilagang Kanluran (West Northwest)
Ayon sa PAGASA, inaasahan pong maglalandfall sa Mindoro ang mata ng bagyo. Tinatayang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng madaling araw.
Nakataas na rin ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa
#Batangas
#Burias Islands
#Cavite
#Laguna
#Marinduque
#OccidentalMindoro (Kasama ang #Lubang Islands)
#OrientalMindoro
#Romblon
#SouthernQuezon
Sa loob ng 18 oras, makakaranas ng hanging umaabot sa 101-185 kph ang mga nasabing probinsya. Maaari nitong mapatumba ang maraming puno, magdulot ng malawakang pinsala sa mga pananim at mga bahay lalo na ang mga gawa sa magagaang materyales gaya ng nipa o cogon.
Samanatala, nasa ilalim pa rin ng Public Storm Warning Signal No. 2 ang:
#Aklan
#Bataan
#Bulacan
#Calamian islands
#CamarinesNorte
#CamarinesSur
#Capiz
#Masbate (Kasama na ang #Ticao Islands),
#MetroManila
#Rizal
#Semirara Islands
#NorthernQuezon
Pinag-iingat ang mga residente ng mga lugar na ito sa hanging may bilis na 61-100 kph na maaaring maging dahilan ng pagtumba ng ilang puno at paglipad ng mga bubong na gawa sa nipa at lumang bubong.
Samantala, nasa Public Storm Warning Signal No. 1 ang:
#Antique
#Albay
#Bantayan Islands
#Biliran
#Catanduanes
#Iloilo
#NorthernSamar
#NuevaEcija
#Pampanga
#Polillo Islands
#Sorsogon
#Tarlac
#Zambales
#NorthernPalawan (kabilang ang #Cuyo Islands)
Maaaring maobserbahan sa loob ng 36 oras sa mga nasabing lugar ang hanging 30-60 kph ang bilis.
Gamitin ang abiso at impormasyon mula sa PAGASA at inyong lokal na pamahalaan upang masiguro ang inyong kaligtasan. Ingat po tayo!


No comments:
Post a Comment