
Latest PAGASA Forecast Track for #RubyPHAs of December 7, 2014 05:00 PM
Humina pa lalo ang Typhoon #Ruby matapos nitong maglandfall
Lakas ng Hanging dala ng Bagyo: umaabot sa 140 kph
Pagbugso: 170 kph malapit sa gitna
Paggalaw: 10 kph papuntang Kanluran Hilagang Kanluran (West Northwest)
Ayon sa forecast ng PAGASA, inaasahan pong maglalandfall ang bagyo sa#Romblon mamaynag gabi. Matapos nito, daraan po ito sa #Mindoro bukas bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng umaga.
Nakataas pa rin ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa
#Marinduque
#Masbate (Kasama na ang #Burias at #Ticao Islands),
#OrientalMindoro
#Romblon
Sa loob ng 18 oras, makakaranas ng hanging umaabot sa 101-185 kph ang mga nasabing probinsya. Maaari nitong mapatumba ang maraming puno, magdulot ng malawakang pinsala sa mga pananim at mga bahay lalo na ang mga gawa sa magagaang materyales gaya ng nipa o cogon.
Samanatala, nasa ilalim pa rin ng Public Storm Warning Signal No. 2 ang:
#Aklan
#Albay
#Batangas
#Biliran
#CamarinesNorte
#CamarinesSur
#Capiz
#Cavite
#Laguna
#NorthernSamar
#OccidentalMindoro (Kasama ang #Lubang Islands)
#Quezon
#Samar
#Sorsogon
#NorthernCebu (kabilang ang #CebuCity ,#Bantayan at #Camotes Islands)
Pinag-iingat ang mga residente ng mga lugar na ito sa hanging may bilis na 61-100 kph na maaaring maging dahilan ng pagtumba ng ilang puno at paglipad ng mga bubong na gawa sa nipa at lumang bubong.
Samantala, nasa Public Storm Warning Signal No. 1 ang:
#Antique
#Bataan
#Bulacan
#Catanduanes
#EasternSamar
#Iloilo
#Guimaras
#Leyte
#MetroManila
#NegrosOccidental
#NegrosOriental
#NuevaEcija
#Pampanga
#Rizal
#Tarlac
#SouthernLeyte
#Zambales
#NorthernPalawan
#SouthernCebu
Maaaring maobserbahan sa loob ng 36 oras sa mga nasabing lugar ang hanging 30-60 kph ang bilis.
Gamitin ang abiso at impormasyon mula sa PAGASA at inyong lokal na pamhalaan upang masiguro ang inyong kaligtasan. Ingat po tayo!
No comments:
Post a Comment